Friday, October 15, 2010

Super Si Reyna

Sweet 16 ako nung napatunayan kong isa pala akong girlaloooo na natrap sa bodelya ng isang men.. oo, ate, isa pala akesh na paminta. Pero siyempre naman, in the closet lemeng ang drama. Hindi maaring magladlad ng kapa at palda ang lola. Bukod sa may shupatembang (kapatid) akong lalaki (si kuya Ku) superb sa pagkastrict ang fudang namin. Galing kami sa maharlikang pamilya, dugong bughaw ang mga ninuno namin. Charosssssss! Hindi naman ako mahilig sa cosmetics o mga damit pang babae. Tulad ng mga normal gays I mean guys, I dress like them, walk and act like one of them, of course para hindi mabuking ang sikretong binabae. Gumi-gf pa nga ako nun eh, kinukutsaba ko ung barkada kong tibo, na hindi alam ng barkada na pusong maton. Kunyari kami. Normal naman kahit papano. straight-straightan ang drama hanggang sa ipasok ako ng father namin sa PMA. Diyos ko! Gusto kong himatayin. Hindi dahil sa kinakailangan ko ng matindi-tinding powers mula sa bathala ng mga diyosa, kundi dahil sa dami ng mga nagagwapuhang mga nilalang sa PMA. Imbes na maging tunay na lalaki, lalo kong nahasa ang aking pagiging sirena. Sa aking pagpasok sa PMA, nadiskubre kong ako ay nasa isang paraiso kung saan ako ang nag-iisang sirena at ang mga nasa paligid ko ay sanlaksang mga syoke. Aylabeeeeeet!  *kagat-labi*

Minsan sabi ni bok: “Bok, bakla ka ba?” mabuti na lang nakatalikod ako sa kanya, hindi niya nakita ang kabiglaan sa mala-angelic fez ko. Ume-hem ako sabay palaki ng boses, “Ako? Bakla? Ginagago mo ba ko Bok?” “Hindi naman Bok, natanong ko lang, nung minsan kasi parang lumalamya ang kilos mo. Panay pa ang kapit mo kay Asuncion.” Sa bandang huli, nalaman kong ito palang si Bok eh kafederasyon. Mas naunang nagladlad ng kapa at nagpintura ng fezloo at sa ngaun eh rumarampa na sa Singapura may fafa na Tsekwa.

Natanong na din ako dati ni Kuya Ku, ewan ko. Minsan nagdududa na rin ako sa kanya, mukhang malakas ang radar niya. Hmmmm kuya. Hindi kaya may fekfekpakpak ka rin? Tinanong niya ako, :”oi Ru! Bading ka ba? Bakit ganyan ka?” (with pa-maton na voice. Parang trying hard naman) ako naman, “hindi foh kuyang. Umi-imagine ka na naman.”

Madalas akong matanong kung bakla ako. Nuon hindi ko masagot-sagot ng totoo dahil nakatago pa nga ang lola nyo. Pero ngayon, ask me now, at masasagot ko na yan ng:

Oo, bakla ako, proud to be one. Got a problem with that? (sabay taas ng isang kilay, tuck ng hair sa right ear, sabay padyak)



Patikim.

-RU-

11 comments:

Super Balentong said...
This comment has been removed by the author.
kikilabotz said...

hahaha so tatlo pa la kayong writer nito. astig ^_^

YanaH said...

ang taray mo naman teh! sirena talaga sa sanlaksang syokoy hahaha
kaloka tong entry mo. early-early pa lang napatawa mo na ko.

so, kahapon si KU, ngaun si RU, bukas si KI na ba?

napakamysterious ng dating nyo

Axl Powerhouse Network said...

whahah kulit :D

Madz said...

haha swerte mo at napalibutan ka ng mga otoko..yummy :))

wow collaboration ng magkakapatid.. :D Love it!

cno nang next na magpopost??excited na ko..LOL

nag pala, thanks sa pagbisita sa blog ko :)

KU-KI-RU said...

@Super Balentong
malamang nakapagladlad nikonyatan nga sya ni kuya KU dahil dito sa post nya..
kung sakaling magkahiwa ng ng pahalang ikaw ang unang bibisita kay ate RU ha..

welcome dito Super Balentong.. AKA papa P.. hihihi

@Kikilabotz
kakatuwa naman bumalik ka ule.. hihhi uu tatlong malalandi ang nagsusulat dito :D

@YanaH
hi ate yanah! ang sweet mo naman at nakabalik ka ule.. bonus na nung napatawa ka ni sis/bro ko...

Ako ang naatasang magcomment back sa inyo pero sige susubukan kong magpost.. hihihi

@AXL
kulang kuya.. malandi rin.. :D

@hArTLesSsChiq
wow naman salamat at inaabangan mo ang next post... susubukan kong magpost ngayon... hihihi

welcome po dito sa bahay namin :D

Ungaz said...

ALABETTT!!!!Mabuhay ang mga beki...Iladlad mo na kapa mo girl suportado kta.hahaha!

Unni-gl4ze^_^ said...

panalo to!
bok bakla ka ba?hahhahaha parang gerald at jake cuenca ang dating eh anover...
love ko yung convo nyo ni koyahness mo ang adik lang di ko maimagine c koyah KU mo hahaha...

pero happy n ako at nagladlad ka na ng iyong pakpakels..
fly high RU~~~~nyahahaha

goodluck namen~~~

Super Balentong said...

taena, saan mo nakuha yang papa P na yan?

eMPi said...

Pinangiti mo ko sa kwento mo.... nawala tuloy antok ko. Salamat!


good luck sa kukiru!

KU-KI-RU said...

@2ngawzki
Apir tayo dyan ateh...

@Unni-gl4ze^_^
salamat at nakeri nyo ang paglalantad ni ate/Bro Ru ko dito hihihi....

@Super Balentong
Panu si ate/bro Ru sabi nya Papa P ka raw nya as in papa Paul... paul daw real name mo ihhh..

@Marco Polo
nakakatuwa naman kuya at napangiti ka ni _ru_ balik ka ha!~